sa isang patak man lang ng Iyong dugo
ako'y di karapat-dapat na ito ay matamo
nang dahil Sayo, ako ay natubos
dahil sa sala ko, dugo Mo ay nabuhos
kung nagawa Mong mamatay para sakin
paano ba Kita sasambahin
ako ay baguhin
gawin ayon sa Iyong nanaisin
lahat ng kalikuan ko'y pawiin
sa buhay ko'y Ika'y sundin
ako ay baguhin
pag-ibig sa Iyo'y pagningasin
katigasan ng ulo ko'y baliin
upang ako'y maging katulad mo Hesus
ako ay baguhin
dahil sa biyaya Mo
ako ay nakatayo
kung wala ito, pag-asa'y maglalaho
ang Iyong pagkamatay
dahil sa sala ko
sadyang walang hanggan ang pag-ibig Mo
ayaw kong manatiling ganito
Hesus buhay ko'y baguhin Mo
ako ay baguhin
gawin ayon sa Iyong nanaisin
lahat ng kalikuan ko'y pawiin
sa buhay ko'y Ika'y sundin
ako ay baguhin
pag-ibig sa Iyo'y pagningasin
katigasan ng ulo ko'y baliin
upang ako'y maging katulad mo Heses
ako ay baguhin
ayaw kong maging mapagsamantala
sa biyaya Mo
ngunit kailangan ko
ang tulong Mo
upang maging malinis sa harap Mo
ako ay baguhin
tiwala sa sarili ay pawiin
puso ko ay Iyong durugin
sa buhay ko'y Ika'y dinggin
ako ay baguhin
kasarinlan ko ay Iyong durugin
sa buhay ko
pangalan Mo'y purihin
upang ako'y maging katulad mo Hesus
ako ay baguhin