Nais kong magpuri
Sa Iyo Panginoon
Puso ay sumisigaw
Ang nais ay Ikaw
Nasasabik, nauuhaw
Sa presensiya Mo
Hindi ko na mapipigil
Damdamin kong ito
Ilog ng buhay
Nais kong maranasan Ka
Narito ako ngayon
Naghihintay Sa'yo
Punuin Mo ng todo
Baguhin Mo ako
Nais kong magbabad
Sa presensiya Mo
Kapayapaan, kasaganaan
Kagalingan ay nasa Iyo
Kalakasan, kagalakan
Kaligtasan ay na sa Iyo