Kailan mo ako hahagkan? Matagal na akong naghihintay. Nakadungaw sa bintana. Mga dahon lang ang kumakaway. Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi? Tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa pisngi Kailan ako tatahan? Higpit ng yakap ng 'yong dibdib Nakatingin ako sa salamin. May guhit ang noo't mapait ang ngiti Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi? Tinatanaw ko ang mga bituin mga luha humahalik sa aking pisngi
Kailan ko masisilayan? Sa araw-araw aking mahal Mula paggising hanggang sa pag-idlip Kagandahan mong walang patid Kailan mo ako hahagkan? Matagal na akong naghihintay. Nakadungaw sa bintana. Mga dahon lang ang kumakaway Kailan ko mararamdaman, pagdampi ng iyong labi? Tinatanaw ko ang mga bituin, mga luha humahalik sa'kin pisngi Kailan ako lalaya? Sa anino ng pag-iisa Mga rehas lang ang tanaw Nagniningning sa seldang maginaw Woah oh!