{Dian:} Nag papaka busog nanaman Ang mga kalamnan Wala akong bulsa Walang ma pag lagyan Masyado ng manhid Malabo ng masaktan Ayoko na din pabalik balik pa sa hagdan Mas pinili kong lumutang Kesa ang mag paka lunod sa ilog Ayoko din magutom Bitin lang ba ito sa tulog Maka pwesto nga sa timog Baka kase dun sa sinilangan ay Merong mapala Buti pa sila nag bibigay kahit na masama Mabilis pa nga mag abot Di mo mahahalata Mawawala na ang lungkot Kahit pansamantala Di ko na pinapansin Kung sinong tumatawag sakin Di na rin naririndi sa mga sigaw at iyakin Basta ang sarili ay kayang sanayin Kahit na mag isa wag mo silang hayaan na ika'y lamunin Isa pangalawa Patak pangatlo na Bangka kaya pa ba May bag pa akong dala Tama na ang libang Wag mag paka hibang Kulang pa ang ilan Kung hanggang dyan nalang Mag linis nalang ng mga dumi Mag hihintay na ang uwak ay baka pumuti Kesyo kontra tupi Hanggang sa mabungi Bukas ay paki tahi
Paki simot ng sami {Masamoth:} Di ko namalayan Unti unti nang nilalamon ako ng kalungkutan Hindi ko na malaman kung pano labanan Ang boses na sumisigaw sa aking isipan Ako’y naliligaw sa gitna ng kagubatan Kaya naisip kong lumipad sa kalawakan Baka sakaling maabot ko ang pangarap na Ang buwan at araw ay tuluyang magkatuluyan Tumingin sa kawalan ng kamalayan Hinihintay ang pagdating ng kalayaan Kaso bigla nang dumilim ang kalangitan Oras na muli para silyaban ang mahiwagang Dahon na nagsisilbing gamot Sa mga katanungan at iniindang kirot Mga katanungan na walang sagot At para kalimutan ko ang nabigo nating sumpaan Meron nga bang luha akong dapat punasan Tanong sa sarili ano ba itong napasukan May hiwaga bang nakatago sa likod ng pintuan at pag nakapasok ay walang labasan Bigla nang nagising sa himbing na tulog at tinanggal ang kumot na parang nakabalot sa king katauhan kaso bakit balak ko pa din bumalik sa kanya kinabukasan