Ang buhay minsa'y nakapagtataka Kahit ating sikapin na ito ay maiba Sa bandang huli, babalik muli Sa kung saan lahat nagsimula Ang kahapon ating di' na mabalikan At bukas ay palaging di' natin malalaman Totoo nga bang may guhit ang tadhana O nasa tao ba ang paraan? Mara Clara… Ika'y ako ngayon, at ako'y ikaw Katotohanan, ‘di pa natatanaw Sa agos ng buhay, tiyak ay lilitaw Ang buhay minsa'y nakalilito Pilitin mang baguhin ang kanyang anyo Lahat may paltang, baliktari't takpan Lilitaw ang tunay na loob nito
Mara Clara… Sinilang may kanya-kanyang palad Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad Ipinagpalit, ‘di ginawang huwad Di' ko masasabi pa hanggang saan Hanggang kailan Itong magkabilang landas At kailan magwawakas Ang ating magkabilaang katotohanan Mara Clara… Sinilang may kanya-kanyang palad Datapwa't kapalaran ay ibinaligtad Ipinagpalit, ‘di ginawang huwad Mara Clara… Katotohan ay lilitaw