Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay Sa ilalim ng iisang bubong Mga sikretong ibinubulong Kahit na saan ka man patungo Ngunit ngayon Kay bilis maglaho ng kahapon Sana'y ‘wag kalimutan Ang ating mga pinagsamahan At kung sakaling gipitin ay laging iisipin Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan Hah hah… Hah hah… Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin Inuman hanggang sa magdamag Na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan Mga tiyan nati'y walang laman Ngunit kahit na walang pera Ang bawat gabi'y ano'ng saya Repeat except last word …magkaibigan, oh! Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari Kahit na ano'ng gawin Lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan Dahil ngayon Tayo ay nilimot ng kahapon ‘Di na mapipilit na buhayin ang ating pinagsamahan Ngunit kung sakaling mapadaan Baka ikaw ay aking tawagan Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan