[Verse 1] Ilang oras sa araw-araw ay magkasama Pumipiglas, gumagalaw ang puso may kaba [Pre-Chorus] Para bang may iba nang nararamdaman Gusto kong mapatunayan na ikaw at ako 'o saan ba ito Patungo 'di ko malaman kung ano ba tayo talaga [Chorus] Oo nga naman Alam na alam na alam mo naman 'di tayong dalawa 'O baka naman Alam na alam na alam mo naman Ang kasagutan sa tanong kung tayo, tayo, tayo ba Kung tayo na Magkausap sa gabi, sa araw ay walang paki Nasasaktan, 'di ko masabi na gusto kitang mas madalas makatabi [Pre-Chorus] Para bang may iba nang nararamdaman Gusto kong mapatunayan na ikaw at ako 'o saan ba ito
Patungo 'di ko malaman kung ano ba tayo talaga [Chorus] Oo nga naman Alam na alam, na alam mo naman 'di tayong dalawa 'O baka naman Alam na alam, na alam mo naman Ang kasagutan sa tanong kung tayo, tayo, tayo ba [Bridge] Habang nakakasama ka, lalong tumitindi aking nadarama Sana mapag-usapan na Dahil mayro'ng masasaktang iba 'Pagkat pareho tayong meron na [Chorus] Oo nga naman Alam na alam, na alam mo naman 'di tayong dalawa 'O baka naman Alam na alam, na alam mo naman Ang kasagutan sa tanong kung tayo, tayo, tayo ba 'Di pwedeng tayo 'Di pwedeng tayo