Alab - Aking Sinta lyrics

Published

0 699 0

Alab - Aking Sinta lyrics

Verse I: Nagsimula lahat sa simpleng tinginan, Simpleng ngitian, palitan ng liham. Madalas pinapauna sa pintuan, Sige po, mauna na kayo. Hanggang sa paglayo, sinusundan ng tingin Puso’y tumitibok, ng mabilis ‘di mapigil Nang ika’y lumingon, ako’y natunaw Puso’y napukaw... Chorus: Kahit na malayo ka walang problema Kahit na masungit ka, ewan ko ba. ‘Di na mapipigilan kahit na anong harang man ‘Wag kang mag-alala, hindi ka na mag-iisa Pag-ibig ko’y tapat, walang hanggan aking sumpa Aalagaan kita magpakailanpaman, aking sinta... Verse II: Ako’y kumakanta, ika’y mahilig raw sumayaw Pula ang gusto ko, sayo ay luntian Magkaiba man sa maraming bagay, malay mo.. Na gusto mo rin pala ako... At nang makita kita na nag-iisa, Agad kitang nilapitan, nagpakilala Nang ika’y tumingin, ako’y natunaw Puso’y napukaw Chorus: Kahit na magkaiba,walang problema Kahit na masungit ka, ewan ko ba ‘di na mapipigilan , kahit na anong harang man ‘wag kang mag-alala, hindi ka na mag-iisa Pag-ibig ko’y tapat, walang hanggan aking sumpa Aalagaan kita magpakailanpaman, aking sinta Bridge: Lumipas ang panahon, unti-unting nahulog Ngayon ika’y akin na... hinding-hindi na kita bibitiwan sinta, Magpakailanman... (Repeat 2nd chorus)