Aicelle Santos - Bahagi Ko Ng Langit lyrics

Published

0 330 0

Aicelle Santos - Bahagi Ko Ng Langit lyrics

[Verse 1] Bakit may pait? Sa akin ba'y galit? Ako ang nasa tama ngunit tadhana'y malupit Ako'ng nagdurusa Ligaya'y tila kanila Ano bang dapat ko na ginawa Maiiwasan bang lumuha? [Pre-chorus] May nakakakita ba? May makakapitan ba? [Chorus 1] Kung 'di pantay ang langit at 'di maabot ng lupa Ang tunay na pag-ibig, mararanasan pa kaya? Kung araw ay mainit, bakit umaga'y kay ginaw At bakit nakilala kung 'di naman pala ikaw? Sakim bang tanungin May bahagi ba na para sa akin? [Pre-chorus] May nakakakita ba? May makakapitan ba? [Chorus 2] 'Di man pantay ang langit, ako'y aapak sa lupa Ang tunay na pag-ibig, sa akin magsisimula Iwanan man ng araw, lunurin man ng ulan Sa pag-asa ako'y kakapit Ang puso ko ay tatahan Doon aking makakamit Munting bahagi ko ng langit