Abra - Bolang Kristal lyrics

Published

0 591 0

Abra - Bolang Kristal lyrics

Verse 1: Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong sa pag inom ng ALAK Di alam na papunta sa patibong ang tapak. Mapapahamak, walang pake. Inuman na agad ng hapon hanggang gabe. Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na Walang maalala, parang dumaan sa Gubat ang itsura, hininga amoy suka. Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na Puro alak lang ang madalas kasama Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama Lasing na lasing, nakaaway ang nobya Sa gulong ng kapalaran nina vodka Naiwan na wala man lang na halik at yakap Di alam ang gagawin kundi balik sa alak Hanggang sa isang gabi, natagpuan Galing sa inuman at nag lalakad sa ulan Nakapikit at walang imik pauwi na Ng bigla na lamang nakarinig ng busina May kotse na biglang pabangga na sa kanya Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya Hindi na nagawang, umiwas sapagkat Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat. Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman kailangan mo sa Bolang Kristal. Verse 2: Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong at maakit sa DROGA Na ipinagbabawal na adik ng sobra. Nag simula sa alok ng kaibigan Napatikim at ng sabog, nakangiti lang. Nakahiligan dating pangangapa lang Ang laging pang-aliw naging pangangailangan. Ano pa nga ba? Wala ngang namimilit Kailangan ng tama, para sa tamang pag iisip Para matahimik, para makahirit Parang nabubuhay sa magandang panaginip Hanggang sa naging bula ang pera. Nawala na lang kaya nagsimula magbenta. Naging taga tulak ng mga tampalasan, Desisyon na wala ng atrasan. Isang gabi, na nagkabilangan. Na ka-tropa nya sa droga na walang iwanan Nakatulog, at magising ay naisahan Wala ng droga at pera at ang napagbintangan Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo Sapagkat, walang natira na kahit na magkano Di masukat ang bigat ng pighating nadama Nasisante si Dante at binaril sa panga. Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal. Verse 3: Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang Kapalaran ni Dante kung sakali lang Na malulong ng masyado sa SUGAL Bakit nga naman makikipag-talo pa tutal. Naglalaro at kumikita. Imposible ba? Dito mabilis ang kita tipong triple pa. Larong baraha, sabong, jueteng at karera Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera Isang araw, pumasok mag-isa sa casino Tinaya ang natitirang limang daang piso Paraiso, na naging isang daang libo Mula noon halos nanirahan na dito Ng biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi Ubos ang salapi at hindi na makabawi Pero sabi sabi lang madali tong bawian Bumawi sa casino, Kasinungalingan! Umutang pa ng pang gasta sa maton Puro pusta panay patalo hanggang sa mabaon Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi Isang gabi nasa bubong na mataas na gusali Madalas ang ugali palabag kapag gipit Pero sa ngayon naka-tanga at naka-pikit Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang Sa dami ng problema, nagpakamatay na lang. Chorus: Ang bawat kilos may kahihinatnan Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan Kung hawak mo naman ang palad mo Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal. *Repeat Chorus